Friday, August 30, 2013

Buwan ng Wika Ipinagdiwang Sa CCT Support Office


                   Staff ng VOH Foundation, VOH Christian School, Covenant Community Service   
            Cooperative,  Spiritual Development Department, Training and Development Institute
                                                      habang umaawit ng Ako'y Isang Pinoy.  

Wikang Pilipino ang naging tema ng buwanang pagtitipon-tipon ng mga kawani ng CCT support office nitong nakaraang Agosto.    

Pinakatampok na bahagi ng pagtitipon ay ang dalawang patimpalak. Ang una ay ang paghanda ng pagkain at pag-ayos ng hapag-kainan na kumakatawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang pangalawang patimpalak ay ang pagtatanghal ng intepretasyon ng Ako’y Pinoy sa pamamagitan ng awit, drama, at sayaw. Ang mga kawani ay hinati sa tatlong grupo para sa patimpalak:

            Luzon: Accounting, Finance, MIS, Office of the President, Communications
            Visayas: Human Resources, Savings and Credit Co-op, IT
            Mindanao: VOH Foundation, VOH Christian School, Covenant Community Service   
            Cooperative,  Spiritual Development Department, Training and Development Institute

Ilan sa bahagi ng programa ang sama-samang pag-awit ng Ako ay Masaya sa Tagalog, Hiligaynon, Cebuano, at Ilokano; ang pangangaral; pagbati sa mga may kaarawan at mga bagong kamanggagawa; at ang pagsasalo-salo sa hapag-kainan.

Ang buwanang pagtitipon-tipon ng mga kawani ng support office ay ginaganap tuwing ika-apat na Biyernes ng buwan.  Ang tema para sa buwan ng Setyembre ay ang kapaligiran o turismo, ayon kay Christine Valdez, HR manager.