Friday, January 6, 2012

Luzon Staff Attend Corporate Worship in Tagaytay

Staff from the Luzon branches and community centers attended the first CCT Saturday corporate worship of 2012 in Tagaytay, along with the retreat center housekeeping staff, kitchen crew,  and construction workers.  The speaker was Pastor Seymour Meman of the Urdaneta, Pangasinan branch. 


Here and below, Pastor Seymour, speaks on I Thess. 5:18 [In everything
give thanks for this is the will of God in Christ Jesus for you],
and shares several stories from his life and ministry
 when God answered prayers after he gave
 thanks for the  difficult circumstances
he was in.
Pastor Seymour's testimony of the beginning of
CCT work in Urdaneta, Pangasinan is
featured in the 2012 CCT calendar. 


Inspired by the message of Pastor Ed Lapiz during the last evening of the CCT 20th anniversary celebration, Pastor Seymour penned the following poem which he read at the close of his message during the corporate worship the following morning.

Ganoon Na Ba?

Nag-umpisa ang CCT dahil sa kahirapan!
Maraming pamilya, nagugutom, trabaho'y wala na
Sa mata'y kitang-kita sa puso'y damang-dama
Mga batang maliliit, madudusing ang hitsura.

Mga ama'y nag-iinuman, naghambalang sa kalsada
Mga ina'y nag-uumpukan, dala'y mga baraha
Mga batang naglalaro, meron bang pag-asa
Katanungan ng puso, saan sila pupunta?

Ang puso ng CCT, ay puso ng Diyos
Mga lider nami'y ginamit, kay Ate Ruth nag-umpisa
Buhay nila'y ibinigay sa Diyos ipinagkaloob
Ngayo'y may bunga na, kitang-kita sa mata.

Mga batang kalye, mga taong grasa
Mga taong drug addict, mga walang pag-asa
Pamilyang nasa kariton, nagtitinda sa kalsada
Mga taong basahan kung ituring ng iba.

Maraming sumisigaw sa mga kalsada
Ang kanilang layunin, baguhin ang sistema
Sumisigaw ng pagbabago -- baguhin ang gobyerno
Naglulok ng matalino, naubos ang pondo.

Mga taong pinalakpakan sa entablado
Sa buhay nila, ay wala si Kristo
Kaya bang baguhin ng taong matalino
Ang bansa nating hihinga-hingalo?

Mabuti na lang, may mga tao
Binago ni Kristo, buhay ay nabago
Mga staff ng CCT, tinawag ni Kristo
Naging instrumento sa pagbabago ng tao.

Ang aming mga lider sa CCT, may mga pusong totoo
Kung pera lang ang hanap, matagal nang wala dito
Nagkaisa sa pangarap, na abutin ang mahirap
Ang tumulong sa mahirap, Diyos ang magbabayad! 

- Pastor Seymour Meman, 1/5/12, Tagaytay Retreat and Training Center
Photos by: Ciara Tan

1 comment: